Hangad ni Aliena ay paghihiganti sa pumatay ng kaniyang kakambal. Isa sa layunin niya ay isa-isang tuparin ang pangarap ng kapatid noong ito'y nabubuhay pa. Sisimulan niya sa pagpapakasal sa fiancee ng kapatid. Habang tumatagal ay nahuhulog ang loob niya sa lalaki hanggang sa tuluyang mahalin ng buo. Ngunit paano kung matutuklasan niya ang katotohanan na ang lalaking minahal ay siyang pumatay sa kaniyang kapatid? Magagawa niya kaya itong tanggapin? O magkakaroon na ng pagkakataong ipaghigante ang namayapang kapatid?