[ R-18+ CONTENT | ON-GOING ] Si Antoninus Ezekiel Pius ay mapagmataas na hari sa kaharian ng Tiro. Ang lahat ay kailangang sumunod sa kanyang kagustuhan at batas. Kung sino man ang tumutol sa kanya ay tiyak na mapaparusahan ngunit isang araw ay nalaman niya sa manghuhula ng palasyo na nanganganib na mapatalsik siya sa kanyang kaharian kung hindi siya magkakaroon ng isang reyna na tatayo ng pantay sa estado niya at magtatanggol sa kanya. Isang reyna na may lakas at tapang katulad ng isang magiting na kawal at may magandang wangis katulad ng isang dyosa. Ngunit paano niya magagawa ang bagay na 'to kung mapagmataas nga siyang hari at nais lamang na siya ang may pinaka mataas na katayuan sa kanilang teritoryo?