Ano ang gagawin ng dalaga kung ipinagkait rin sa kaniya ang makapagtapos nang pag-aaral? ang mga pangarap na isinantabi at pilit na kinakalimutan, hindi nito nagawang mapkatungtong ng kolehiyo dahil wala siyang maitutwisyon, ang pangarap na maging isang flight attendant ay kaniyang ibinaon sa hukayan. May nararamdaman ba ang isang babaeng kung tawagin ay puta, pokpok dahil kapalit ng kanyang mga makasalanang halik at haplos ay ang perang ipinapangkain sa pamilya. Paano kung umiyak ang babaeng mukhang pera, ang babaeng inaasahan ng buong pamilya, pagkain sa araw-araw, pangbayad sa ilaw, renta, kuryente at tubig. Kapalit ng kanyang mga nakakaakit na mga haplos, sa bawat giling nang kanyang katawan ay malaki ang perang naiuuwi niya. Simula nang pumanaw ang kanilang ama ay nailipat sa kaniya ang lahat nang responsibilidad bilang anak at kapatid. Lahat nang mapanghusgang mga mata ay binabalewala niya, ganoon ang titig na ibinibigay nila sa babae, kailangan niyang humalik at makipag siping sa iba't ibang lalaki upang makakain nang tatlong beses sa isang araw ang kaniyang pamilya. Started : 05/11/2022 Ended :