Si Feliciana Vacario ay namumuhay ng tahimik di kalayuan sa isang maliit na batis. Ilang taon na ang nakalipas ay marami ang bumibisita sa lugar na 'yon na di kalaunan unti-unting nakalimutan ng matuyot na 'to dahil sa matinding tag-init. Ang Batis at ang dalaga ay maihahalintulad parehas na tuyot at tigang sa di iisang madahilanan. Ang kanyang tahimik na buhay ay nagbago ng makilala niya ang isang estrangherong binata na nagnanais bilhin ang kalupaan malapit sa batis. Nag-umpisa sa bangayan at di pagkakaintindihan na bumagsak sa isang kasunduan. Ang tuyot at tigang na sapa ay muling mabubuhay sa bawat sandaling kasama ang estranghero na magbibigay ng init sa gitna ng tag-lamig. Published: 051322All Rights Reserved
1 part