Walang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa mansyon ng hindi niya kilalang magiging asawa? Ang dinig niya pa ay matanda na ito at mahilig pa raw sa mga babae. Handa kaya siyang harapin ang pagsubok sa kanya ng kapalaran? Kaya niya bang mag isa na harapin ang pait at kasakiman ng mga may ayaw sa kanya? O sasamahan siya at poprotektahan ng lalaking nagpakilalang anak ng matandang mapapangasawa niya? __ May 14, 2022 book cover by queendevilangel