Ang Aking Mga Sulatin (Mga damdaming puspos ng pag-ibig)
26 parts Complete MatureStatus: Completed ✅️
Mga naunang kalipunan ng mga sulatin na aking nilikha. Naglalaman ito ng ilang tula na hiniling ng ilang dating kamag-aral noong hayskul, at iba pang tulang napapanahon. Narito din mga sinulat ko bilang munting alay sa ilang bayani ng ating bayan.
"Ang Aking Mga Sulatin", 2013/2014
Ang lahat ay may karapatan na kopyahin o ipalimbag ang alinmang bahagi ng akdang ito kahit na walang pahintulot. Mangyari lamang na banggitin ang pinanggalingan ng sinipi.
-------------*
Update: Oct. 16, 2024, muli ko itong nire-publish dito sa Wattpad. Bahagya ko lang inedit.
(Pabalat: Aking sulat kamay sa lathalaing "Loob, Labas, at Lalim ni Macario Sákay". Ito ay buong mababasa sa kalipunang ito.)