The Return of the Night

The Return of the Night

  • WpView
    LECTURAS 3
  • WpVote
    Votos 0
  • WpPart
    Partes 1
WpMetadataReadContinúa
WpMetadataNoticeÚltima publicación dom, may 15, 2022
The Return of the Night. ------ "May paraan upang maging tao ka. Malilimutan mo ang iyong pinanggagalingan, at mabubura lahat ng iyong ala-ala lalong-lalo na ang mga minamahal mo. Magigising ka sa ibang pamilya at ibang kakilala. May posibilidad din na hindi na kayo muling magtatagpo at hindi ka na babalik sa dati. Walang kapangyarihan, at magiging mortal kang nilalang. Nanaisin mo pa bang maging tao na walang maaalala? O mananatili kang ganyan pati narin ang iyong ala-ala?" Napatulala ako. Nagtatalo ang puso at isipan ko sa gagawing desisyon. Pero kung susundin ko ang isipan ko, alam kong kahit kailan ay hindi ko na siya makakasama pang muli. Kahit kailan ay hindi ko na siya mahahawakan pa. Makikita ko siyang tumatanda at namamatay habang ako ay mananatiling bata pa at walang kamatayang hinihintay. Kung puso ang paiiralin ko, may posibilidad din na hindi na kami magtatagpo pa. Mas lalong hindi ko na siya maaalala. At mawawalan ako ng kapangyarihang protektahan siya. Kahit kailan, hindi pweding pagtagpuin ang liwanag at dilim. Isa akong nilalang ng kadiliman. Nabubuhay sa kadiliman, at hindi makakagalaw kung wala ang kadiliman. Mga immortal at hindi namamatay, habang ang pinakamamahal ko ay tatanda at mamatay. Handa ba akong kalimutan ang mga natitira naming ala-ala? O magtitiis akong makita siyang tumatanda habang hindi ako ang kanyang kasama?
Todos los derechos reservados
Únete a la comunidad narrativa más grandeObtén recomendaciones personalizadas de historias, guarda tus favoritas en tu biblioteca, y comenta y vota para hacer crecer tu comunidad.
Illustration

Quizás también te guste

  • Salamisim
  • The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)
  • Chronicles of Aren:  The Lady Knight
  • Mapaglarong pag-ibig
  • The Awaken Princess ✔
  • THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3
  • Sol De Luna
  • DANGEROUS US
  • Diabolic | #Wattys2021
Salamisim

Kung marami na nga ang namamatay sa maling akala iisipin ko na talagang torture ito. Pero bakit ko nga ba mas pinili ang ganitong sitwasyon? Minsan iniisip ko napakatanga ko lang talaga na kahit na ano pang gawin mong pagsusungit at pagtataray sa akin ay nagagawa pa rin kitang suyuin. May punto na parang palagay ang loob natin sa isa't-isa. May punto naman na para bang kinasusuklaman mo na ako. Pero kahit na ganoon ay heto, nandito pa rin ako at patuloy na naghihintay. "Hmm, sorry," napakatipid na sambit mo. Hindi ko nga alam kung saan na bang lupalop nakakarating ang isang salitang gaya niyan. Napakadaling paniwalaan para sa akin dahil ikaw naman ang nagsabi, pero dumating yung punto na napagod na lang ako. "Pasensiya na rin. Nakalimutan ko kasi...hindi nga pala tayo. Kaya siguro dapat ilugar ko na lang ang sarili ko sa tamang lugar at tao." Ngumiti ako at nilagpasan ka. Ngumiti ka rin, pero kitang-kita sa mga labi mo ang mapait na katotohanan. "Mahal mo pa rin ba ako?" tanong mo. Isang tanong na nakapagpatgil sa akin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay lumingon, ngumiting muli...at umiling.

Más detalles
WpActionLinkPautas de Contenido