• To-Be Published Under PaperInk Imprints •
"Ang nasimulang naudlot, ay muling mabibigyan ng pagkakataon sa susunod na habambuhay."
Si Augustine Velasquez ang bunso sa apat na anak ni Anthony Velasquez. Ipinadala siya sa probinsya ng kaniyang ama, sa San Narciso. Bilang parusa sa hindi pagseseryoso sa kaniyang pag-aaral ay kinuha ang kaniyang telepono at tanging pera pangdalawang buwan lamang ang itinara sa binata.
Makikilala niya si Troy Tadeo, isang simpleng pintor na naghahangad na makabuo ng sarili nitong pangalan sa industriya ng sining. Sa pagsasama nilang dalawa, ang simula ng isang k'wentong hindi nila aakalain ay naudlot nang ilang dekada.
Sa pagkakataong ito, masasaksihan ng kasaysayan kung magtatama na ba ang mga tala at buwan, sa kagustuhan ng siklo ng oras, at ng ikot ng mundo, para sa nakaraan ni Theodore at Alejandro.
Petsa ng Pagsisimula : Mayo 21, 2022
Petsa ng Pagtatapos : Hulyo 01, 2022
Lumikha ng Pabalat: Nexusplume
Nayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbibilang ng sukli, nilapitan siya ng tatlong maskuladong kalalakihan at pwersahang ipinasok sa van. Binitbit siya ng mga ito sa mansyon ng mga Torente, kung saan siya napilitang makipaglaro kay Blaise (na may saltik) sa pag-aakalang kapag ginawa niya ito'y makakalaya na siya't makakabalik sa normal na buhay. Ginalingan niya pa man din. Sa kasamaang palad, pinalala lamang nito ang kanyang sitwasyon. Sa sukdulang galak ng mga magulang ni Blaise sa kanyang naging pagganap ay hindi na siya pinakawalan ng mga ito, para hindi na mawalan pa ng kalaro ang kanilang anak, para lagi itong masaya.
Hindi sana magiging impyerno para kay Soso ang pagtira sa mansyon kung nanatili lang ang ugali ni Blaise noong una nilang paglalaro. Kaya lang, sa paglipas ng mga araw ay unti-unting lumabas ang sungay nito't hindi na laruan ang nilalaro, kundi mismong ang kanya nang kalaro.
Ang tanong, mangyayari ba ang lahat ng ito kung hindi siya inutusan ng kanyang ama na bumili ng suka?
At ang mas malaking tanong, kamusta na kaya ang paksiw na niluluto ng kanyang ama gayong hindi na ito nalagyan pa ng karagdagang suka?
****