Sa isang daang pursyento, 0.0001 ang tyansang makilala mo ako, pero kahit na ganon lang kaliit ang chance na yon, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asang makilala kita. Matagal na kitang kilala pero alam kong hindi mo ako kilala. At alam kong maraming nakapila sayo, isa na ako doon. Sino ba namang di magkakandarapa sayo bukod sa tanyag ka sa buong Pilipinas, natatangi din ang kabutihan ng iyong puso. At doon marahil kaya maraming nahulog at mahuhulog pa sayo. At hindi na din ako magtataka kung maraming mag ilusyon na maging kabiyak mo. Kahit hanggang illusyon lang.