Homeless Hope
  • مقروء 127
  • صوت 7
  • أجزاء 2
  • مقروء 127
  • صوت 7
  • أجزاء 2
مستمرة، تم نشرها في مايو ٢٣, ٢٠٢٢
Hindi alon ang sagot sa mga tanong
Walang sinag ang kayang makipag-linlang
Presensya mong hindi maalis sa lugar,
Sana'y manatili lamang at sumugal

Ikaw ang sagot sa nag-iisang hangad,
Ikaw ang tanong sa iisang pangarap
Pero, bakit parang ang hirap maghanap?
Kung ang tadhana natin ay mapagpanggap

Araw, buwan, at taon na ang lumipas
Naghintay, umasa, at muling nangarap
Kahit sobrang lumbay ang nadarama,
Ikaw pa rin kung uulitin ang umpisa.


(HOPE SERIES #1)


Start: 24-06-22
End: --/--/--
جميع الحقوق محفوظة