Isang dalaga na kung saan ang lahat ng hinihiling ng mga tao ay nasa sa kanya na. Pera, kayamanan, magandang kinabukasan, magagandang mga kagamitan, pero para sa kanya ang mga ito ay hindi pa rin sapat para siya'y maging masaya. Hanggang makilala niya ang isang lalake na nagpabago sa kanya at nagpakita kung gaano siya kahalaga, pero bigla na lamang itong nawala at hindi nagpakita ng ilang taon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sila'y nagkita ulit at tumayong 'Bodyguard' niya ang kanyang dating kasintahan. Saan kaya hahantong ang kanilang muling pagkikita?. Muli ba nilang bubuhayin ang kanilang pagmamahalan o magdamag na lamang silang magtititigan at hindi magkikibuan kahit buong araw nakasunod sa kanya ang kanyang ex?. Subaybayan at sana'y magustuhan niyo ang aking likha.