Ako si Lukas. Hindi ako naniniwala sa destiny, fate, forever o kung ano pa man. Bahala na ang tao sa kung anuman ang kanyang gustong gawin mula pagkapanganak hanggang sa pagtanda. Para sa akin, tayong mga tao lang din ang gumagawa ng sarili nating kapalaran: hindi ang horoscopes, pagwi-wish sa shooting star, wishing well, wishing bone ng manok at 11:11, at madami pang kabaliwan na inembento ng mga tao para paasahin lang ang kanilang mga sarili na magiging maayos din ang lahat. Akala ko masaya na ako sa ganitong sistema ng buhay ko. Hindi pala. At dahil nagsimula lahat ng ito dahil kay Amanda.