Nakakapit ako sa iyo ng mahigpit,
Ngunit ako'y iyo ng binibitawang pilit.
Nandito ako ayos lang na palungkutin mo,
Nandito ako ayos lang na hindi mo pahalagahan.
Kumakapit ako sa pangako mo,
Ngunit unti unti na itong napapako.
Mahal ko kumapit ka naman saakin,
Kahit hindi na tayo masaya'y ikaw parin ang mamahalin.
Huwag kang bumitaw mahal ko,
Ilalaban ko ang pagmamahal at alala nating dalawa.
Pero ng sabihin mong 'bitaw na',
Mahal ko ang mundo ko'y unti unti ng gumuguho.
Bitaw na mahal ko,
Kasi pagod na rin ako.