In-adjust ni Maia ang sunglass at ipinagpatuloy ang sunbathing niya. She closed her eyes at hinayaan niyang haranahin siya ng mabining hampas ng alon sa dalampasigan. She felt very much relaxed. She let her other senses para madama ang paligid niya. She could inhale the ocean breeze and tropical sun. At bagaman may sumasaging ingay ay hindi iyon nakakasira sa imahinasyong gumagana sa isipan niya. Then suddenly, parang natabunan ng mabibilis na mga yabag ang isip niya. At bago niya nagawang idilat ang mga mata upang alamin ang dahilan niyon ay isang kalabog na ang narinig niya. Napabangon siya nang tila may sumipa sa balakang niya. "I'm sorry." Sinsero ang tinig nito. Napatitig siya dito. The skin was a toasted brown at parang pinaliguan ng pawis. His broad chest was also damp. At sa paghinga nito ay tila lalong nagkakaroon ng karakter ang matitigas na kalamnan nito. His eyes were glowing in its darkest brown. "Hindi mo naman siguro sinasadya," sagot niya at itinapis ang tuwalya sa katawan. "I'm Drigo Valderama." "Maia." Tumuloy na siya sa cottage niya. Mabilis siyang nag-shower at nang nagbibihis na ay saka lang niya naalalang mag-almusal. At habang nag-iisip kung lalabas siya uli o magpapa-room service ay muli na namang pumasok sa isip niya ang estranghero. Hindi niya alam kung bakit. While on shower ay ang lalaki na ang nasa isip niya. Bakit parang ayaw siyang tantanan ng anyo nito? How could she be so much affected by a mere stranger? Oh, well, not really a stranger. He was Drigo Valderama, according to him.