Isang malagim na pangyayari ang nasaksihan ng mga tao sa bayan ng Karinlan. Usap-usapan na pinatay ng bunsong anak ng mga Rizal ang kanyang sariling mga magulang. Ngunit anong koneksyon nito sa pagkatao ni Tala? Ang lagim ba ng bayan ng Karinlan ang sasagot sa kanyang pagkakakilanlan? Isang misteryosong babae rin na nagngangalang Maria ang namasukan bilang kasambahay sa kanilang tahanan at ayon rito ay nagmula siya sa bayan ng Karinlan. Sa pagdating nito ay sunod-sunod na pagkamatay ang naganap sa mga taong nakapaligid sa kanya. Mareresolba ba ni Tala ang mga kabaliwan na kaganapan sa kanyang paligid at sa kanyang pagkatao? #MADNESSTodos os Direitos Reservados
1 capítulo