A girl na hindi masyadong masunurin sa magulang, hindi mo masasabing isa talaga siyang mabuting anak dahil sa may bad sides din naman siya. Ang mga nakaka MU niya ay hindi naman tumatagal. Ang pinaka matagal siguro ay isang taon, at pinaka mabilis ay 3 days. Nangangamba rin siya sa lovelife niya dahil ang bilis niya lang magsawa. Bukod pa roon ay may pagka-bitter din siya, happy sa relationship ng iba pero may halong inggit deep inside kasi napapaisip nalang na, "saan nila nakukuha ang ganyang lalaki?", "mararansaan ko rin kaya yan?". Dahil alam niya sa sariling sa una lang din naman siya magaling. Ngunit dahil sa isang gabi, kung saan manonood lang sila dapat ng pageant ay mahulog siya sa isang lalaki na redflag? Uuwi kaya siyang luhaan at lalong magiging bitter? O ngingiting tagumpay dahil sa wakas hindi na siya lalamunin ng inggit?