The Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Isama pa na ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang mga magulang ay tila nakagapos sa kanyang mga balikat, at ang multo ng mga tanong tungkol sa kamatayan ng kanyang ina ay patuloy na naghabol sa kanya sa bawat gabi, nag-iiwan ng mapait na lasa sa kanyang mga panaginip. Ngunit sa gitna ng kadiliman, dumating ang lalaking nagngangalang Cielo, kung saa'y presensya ay nagdudulot ng higit pang tanong: siya ba ang susi sa katotohanan o siya lang ang mas maghahatak kay Elishiana sa hukay na puno ng mga kasinungalingan? Sumabay pa ang pagsulpot ng isang anino mula sa nakaraan, nag-aalok kay Elishiana ng isang daang hindi niya alam kung hahantong sa kalinawan o sa isang walang hanggang kabaliwan? Kaya naman kaya niya bang baguhin ang sira ng nakaraan? O mananatili na lang na nakatali ang mga kasalanan at kasinungalingan sa kaniya? Started: March 4, 2021 Finished: August 31, 2024
More details