"U-umasa ako Owen, bakit k-kailangan mong iparamdam na pwedeng maging t-tayo?" hindi ko na mapigilang bumuhos ang luha ko saking pisngi " bakit kailangan mong i-iparamdam na mahalaga ako sa--". "Dahil yun ang totoo, Louise! M-mahalaga ka sakin bilang kaibigan..." huminga siya ng malalim, pinipigilan niya ang emosyon na gustong lumabas dito "...bilang kapatid." walang emosyong banggit nito habang nakatingin saking mga mata. Kapatid!? ganon ba!? masakit para sakin marinig yun, dahil minahal kita higit pa sa sarili ko. "Tangina Owen! k-kapatid!? ganon nalang yun? may nangyari na't lahat lahat satin kapatid parin!?" " I'm sorry, L-Louise." tanging nasabi niya. Tumalikod na siya at handa ng umalis, nakailang hakbang na ito, hinabol ko siya at lumuhod sa harapan niya "p-please wag naman ganto, anong dapat kong g-gawin para mag stay ka lang gagawin ko l-lahat. P-please wag mo kong iwan, O-Owen." hindi ako bumitaw sa binti niya, niyakap ko ito ng mahigpit ipinaparamdam na di ko kayang mawala siya sa buhay ko. "Ano ba! tumayo ka nga! ganyan ka na ba kadesperada ha!? kahit anong gawin mo hindi ko maibabalik o masusukliaan yang tanginang pagmamahal mo sakin!" sigaw nito sakin. Pwersahan niyang tinaggal ang kamay kong nakayakap sa binti niya at sumakay na sa kanyang kotse. Umiiyak lang akong tinatanaw ang sasakyang papalayo saakin...saamin ng anak ko.