"Anak ka ng... BUNTIS KA?!" Halos hindi ko na gustong idilat pa ang aking mga mata dahil sa napakalakas at nakakatakot na boses ni Papa na umabot 'ata sa kabilang bundok sa sobrang lakas ng boses niya. Mahihimigan mo pang galit siya at hindi makapaniwala sa nalaman. Pero kasi... Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Na mabuntis ako. Malay ko bang magbubunga kaagad ang isang gabing kamalian ko sa buhay eh isang beses lang naman nangyari iyon! Kasalanan talaga ito ng lalaking iyon! Pero kasi... Hindi ko rin masisisi ang sarili ko nang gabing iyon. Shuta, ang gwapo eh! Talagang luluhuran! A thread by: @RicsCentavo - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience. - - - Date Started: February 2023 Date Finished: May 2023All Rights Reserved