OFW MOM Nun ikay umalis, akoy maliit pa. Sa mura kong edad, akoy iniwan mo na. Sa aking isip, itoy baliwala. Dahil akoy musmos, na walang alam pa. Akoy nagkaisip, at akoy nag tampo. Dahil ang alam ko, pinabayaan mo ako. Hinde ko naisip na hinde mo ito gusto. Ang iwan ako at saakin mailayo. Hindi ko maintindihan bakit ka pa lalayo. importante buo at masaya naman tayo. Dahil wala akong ibang ginusto Kundi un ay maging kompleto tayo Lalong lalo na tuwing sasapit ang pasko Nang akoy nagkaanak ikay naintindihan ko. . Dahil wala kang ibang hinangad kundi ang ikabubuti ng mga anak mo. Tunay ka ngang inA iisa ang gusto mo. Ang mabigyan ng magandang buhay ang mga anak mo. Bilib ako sa lakas mo. Dahil kinaya mo ng lahat lahat ng to. Lumayo ka para sa mga anak mo. Para maibigay ang buhay na iyong gusto Proud ako sayo dahil ikaw ang ina ko. maraming salamat dahil ginawa mo to Kahit na masakit at mahirap ito. Kinaya mo para sa mga anak mo. Isa kang dakilang ina. Saludo ako sayo. At gusto kong malaman mo. Na proud na proud ako sayo. Maraming maraming salamat bukod tanging ina ko.All Rights Reserved
1 part