PITONG MEDALYON: AT IBA PANG KUWENTO MULA SA LUMANG KUWADERNO
20 parts Complete "Paano kung...?"
Paano kung mas bukas ang mata ng mga taong may sariling mundo?
Paano kung ang moral na pananaw natin ay bunga lang ng pagkabulag sa galit?
Paano kung ang nagpapatindig sa balahibo mo ay minsan ding naging biktima?
Paano kung ang nagbibigay-edukasyon ang siyang sumisira sa kahalagahan nito?
Paano kung ang dapat na nagtatanggol ang siyang nananamantala? Sino ang kakampi natin?
Paano kung may mata ang barya?
Ilang beses na kayang dumaan sa kamay mo ang perang dati mo nang ginasta?
Makikilala mo ba ang barya o mas kilala ka na niya?
Ano man ang naiisip mo sa lahat ng nabanggit na tanong, sa huli, ang kailangan mo lang sagutin
ay...
Ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng Pitong Medalyon?