Synopsis Bata pa lamang si Ash ay kontento na siya sa kung ano ang mayroon siya. Palagi niyang dinadalangin sa Panginoon na ayaw niyang maging mahirap, ayaw niya rin na maging mayaman. Dahil kapag naging mahirap sila, makakapag-isip siya na magnakaw para matustusan ang kanilang pangangailangan. At kapag naging mayaman naman sila ay baka lumaki ang kanyang ulo, at makatapak ng ibang tao. Kuntento na si Ash na makakain ng tatlong beses sa isang araw. Kung sosobra man ay pumupunta sila ng divisorya at namimili ng mga Ukay-ukay na damit. Pero simula ng makilala niya si Rouge Benjamin Federico, ay nagunaw lahat ng paniniwala niya sa buhay. Hindi makuntento si Ash sa casual na pag-uusap lang, gusto niyang ilevel-up pa ang kung ano man ang meron sila. Kasi sa larangan ng pag-ibig, kapag hindi mo ipinaglaban ang iyong nararamdaman, talo ka. Sa pag takip-silim ay kasabay nito ang mga luhang hindi mapigil sa pag buhos. Alam ni Ash na hahantong siya sa ganitong sitawasyon. Masakit isipin na ang maliit niyang pag-asa ay biglang naglaho na parang bula. Mag bubukang liwayway pa kaya? O patuloy siyang aagawin ng dilim at hindi na makakaahon pa? Tunghayan nating ang pag-aagawan ng liwanag at ng kadiliman sa buhay ni Zephanaiah Ash Valderama. M i s s J i n _ 1 1