Halaw sa orihinal na akda ni Ines Rodeña. Lumaki si Marimar na puno ng pangarap at may busilak na kalooban sa pangangalaga ng kaniyang Tata Juancho at Nana Cruz buhat ng mamatay ang kaniyang ina. Subalit ang kaniyang tahimik na buhay ay nagambala sa pagdating ni Sergio Santibañez, ang nag iisang tagapagmana ng Hacienda Santibañez. Mula sa isang gabi na puno ng makamundong kasiyahan, at sa mga pangakong binitawan ng binata, umibig ang inosente at payak na puso ni Marimar na handang gawin ang lahat sa lalake. Ngunit ng dahil sa kasamaan at kasinungalingan ng madrasta ni Sergio na si Anghelika, nawala lahat sa kaniya- ang munting kubong kaniyang kinalakihan, ang lolo at lola niya na siyang natitira niyang kamag anak sa mundo at ang pag ibig ng lalakeng sinamba niya ng pangalawa sa Maykapal. Sa kaniyang pagbabalik, punong puno ng paghihiganti at poot, ipaparanas ni Marimar sa lahat ng mga nang hamak at nanakit sa kaniya ang impyernong naranasan niya. At unang una sa listahan niya ay ang lalakeng siyang dahilan para siya ay lumuha at maghinagpis. Si Sergio.All Rights Reserved