Nang una kang makita,
Puso ko'y nabigla,
Hindi malaman bakit ako nagkakaganito,
Di makapagsalita at laging tulala.
Pag dumaraan ka mundo'y humihinto.
Tibok ng puso ko'y dug-dug, dug-dug.
Pinapangarap kang makasama sa tuwina,
At bumuo ng istoryang walang hangganan.
Kapag sumasyaw ka, anong saya ang nadarama.
May pahabol pang ngiti,
O diba ang swerte ko naman.
Ang yakap mong nagpapagaan,
Sa katawan kong pagod na sa maghapon.
Ang aking pinagpapasalamat,
Na sa araw-araw sa pag-uwi ikaw ang madadatnan.
Magkaibang mundo man ang ating ginagalawan,
Pinaranas mo sa aking maging reyna,
Sa palasyong tayo ang bida.
Walang cut at direktor,
Na siyang magsasabi, iyon ang tama at tayo'y mali.
Pag-ibig man nati'y parang roller coaster,
May excitement sa una,pero kadalasa'y puro gulatan.
Gulatan ng pagsubok at ng surpresa sa isat-isa.
Kakapit ng matatag sa pundasyong nabuo,
Upang paliko-liko man ang tatahaking daan,
Ay sabay tayong tatayo para sa pagsubok.
Koleksyon ng mga tula.
Kwentong nakabalot sa bawat talata.
Basahin ang kwento ng kalapastangan ng araw, luha ng ulap, at lihim ng buwan sa "Araw, Ulap, at Buwan" ni Soraemie.
Pabalat sa pagkaka-disenyo ni: @clxirven
Highest Rank: #10 - tula