"Ano nga ba ang sukatan ng pagmamahal? Ang isinasaad ng batas? O ang isinisigaw ng puso?" Sina Lory at Vena ay parehong anak ng Hari at Reyna ng dalawang kaharian sa kanilang bayan. Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog ang kanilang loob sa isa't isa at sila ay nagkaroon ng relasyon. Ngunit alam nila pareho na hindi ito maaari sapagka't may Batas sila na kailangan nilang sundin. Oras na sila ay sumuway sa isinasaad ng batas, kamatayan ang magiging parusa na kanilang kakaharapin. Kaya ba nina Lory at Vena na ipagtanggol ang kanilang pag-iibigan hanggang sa huli? O madadaig lamang ito dahil sa isinasaad ng Batas?