Story cover for The bridge to 1822 by Oenomelzha
The bridge to 1822
  • WpView
    Reads 49,120
  • WpVote
    Votes 1,271
  • WpPart
    Parts 40
  • WpView
    Reads 49,120
  • WpVote
    Votes 1,271
  • WpPart
    Parts 40
Complete, First published Jun 01, 2022
Mature
All Katana ever wanted was a quiet life. Isang buhay na simple, walang abala, at malayo sa kung anumang gulo. But peace has a price-and hers was stolen the moment she discovered her strange ability: she could smell death, and worse, communicate with the dead.

Akala niya ay imahinasyon lamang niya ito, hanggang sa hindi na siya nito tantanan. Isang lalaking kaluluwa na tila ba matagal nang nawawala sasa mundo, pero nanatili dahil sa isang hindi matukoy na dahilan. He didn't want revenge. He didn't want to haunt. All he wanted... was to know how he died.

At first, Katana resisted. Pero habang lumalalim ang gabi, mas lumalakas ang panawagan ng espiritu. Desperate to make it stop, she agreed to help. Ginamit niya ang Ciuineos, isang sinaunang ritwal na maaaring magbukas ng pinto sa mga alaala ng nakaraan. She thought it would be simple-just one ritual, one night, and maybe she'd finally get her peace.

But the ritual did something she never expected.

When she opened her eyes, the world had changed. Nasa ibang taon na siya. Nasa ibang katawan. She wasn't just seeing the past-she was living in it.

Now, stuck in a life that isn't hers, Katana must unravel the mystery behind the spirit's death. Because the only way back to her present... is to find the killer hiding in the past.
All Rights Reserved
Sign up to add The bridge to 1822 to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
His One And Tenth Bride (on-going) by Rich_able
23 parts Ongoing
Si Cleo Mitchell ay isang simpleng babae at namumuhay rin ng simple. Pangarap niya na makapag-aral sa Red Bridge University-isang tanyag na paaralan na labis niyang hinahangaan. Ngunit nag-iba ang takbo ng kaniyang buhay nang mamatay ang kaniyang Ina. Naiwan siya sa kaniyang matapobreng tiyahin at pinsan. Sa kabila ng paghihirap, inilaban ni Cleo ang kaniyang pangarap. Si Bash Davis ay nag-iisang anak ng university owner at campus director-walang kawala sa tinatawag niyang sumpa. Kilala bilang istrikto, mainitin ang ulo, at sarkastiko, ngunit sa kabila ng kaniyang mga katangian ay marami pa rin ang humahanga sa kaniyang taglay na kagwapuhan. Mga babaeng handang mamatay at pumatay para sa kaniya. Hindi planado, hindi pinag-usapan, at walang kasunduan-magtatagpo ang kanilang landas ng hindi inaasahan. Ang dating maaliwalas na paghanga at pagtingin ni Cleo sa paaralan ay napalitan ng karimlan, lalo nang kaniyang maranasan ang kalupitan na hindi niya kailanman inaasahan. Isang tradisyon ang pupukaw sa atensyon ng lahat. Libo ang nais mapabilang, sampu ang mapipili, ngunit isa lang ang maaaring magwagi. Pakiramdam ni Cleo ay pinaglalaruan siya ng kapalaran, nang matuklasan na isa siya sa mga kandidata na magkokompetensya, hindi para sa korona kundi para sa singsing. Hindi niya gusto ang ideya ngunit buhay ang magiging kapalit. Para niyang sumalang sa isang laro na kailanman ay hindi niya ninais na mapabilang. Ngunit sa paglipas ng mga oras, unti-unting mabubunyag ang sekreto ng nakalipas. Hahayaan ba nilang manipulahin sila nito? Magpapanggap na lang ba hanggang dulo, o hahayaang sakupin sila ng pag-ibig na hindi nakaplano? 05-17-24 🍀
ANDRESS by Smiling_Ace
120 parts Complete
🌈 Rainbow Deck 🌈 📖 Bearer Series II 📖 "This is the Prequel Story of Jian: The Book Bearer..." "The Second Installment of Bearer Series." Nasaksihan natin ang pakikipagsapalaran ng kasalukuyang Bearer ng Libro, si Jian Louis Madrigal... Ngayon, sama-sama naman nating kilalanin at saksihan ang naging buhay pakikipagsapalaran ni Andress, Ang Puting Liwanag. =====ו×===== Isinumpa. Iyan na ang nakalakihan ni Andress na bansag sa kaniya ng kaniyang mga ka-baryo. Dahil sa taglay niyang kapangyarihan na sakupin ang isipan at diwa ng mga nilalang sa kaniyang paligid, naging masalimuot ang naging unang labing-anim na taon ng buhay ni Andress. Yakapin man niya ang kamatayan na paulit-ulit nang humahaplos sa kaniya, ang tungkulin na nakatakdang iaatang naman sa kaniya ang palaging humihila sa kaniya upang manatiling buhay. Sa kamalasan na dala ng kaniyang kapangyarihan na tinatawag niyang sumpa, nangako si Andress sa kaniyang sarili na wala ng papapasukin na kahit na sinoman sa kaniyang buhay. Ngunit ang pangakong ito ay nasira nang dumating ang isang binatang nagsilbing ilaw niya sa kaniyang madilim na lugar na kinasasadlakan; ang pagdating ng "Pulang Mandirigma ng Kanluran" na nagngangalang Enthon. Sa pagdating ni Enthon sa buhay ni Andress, unti-unting niyang nakilala ang tunay niyang pagkatao at unti-unti rin siyang nakalaya sa mahigpit na gapos ng madilim na nakaraan at tuluyang yakapin ang kapangyarihang minsan niyang tinawag na "sumpa" na para sa mga tulad niyang Biniyayaan ay itinuturing namang "regalo". Ang pagtanggap ni Andress sa kaniyang sarili at pagpapatawad upang makalaya sa masalimuot na alaala ng nakaraan sa tulong ni Enthon ang magbubukas ng panibagong pahina sa kaniyang kwento. Ang liwanag ng kapangyarihan ni Andress ay hindi pangkaraniwang bagkus ay itinakda na upang maging bagong simbolo ng Pag-asa- upang maging bagong Tagahawak. "Spreading Love and Laughter.." - Smiling_Ace | JhayemmJVR -
You may also like
Slide 1 of 10
BETTY and the PRINCE: book 1 cover
Ang Mutya Ng Section E cover
His One And Tenth Bride (on-going) cover
Puppy Love, First Love At True Love cover
I'm Reincarnate as a Villain's Everyone Hates the Most (BL) [On-going] cover
  " Pretending Turn To Real "  cover
The Lost Princess of the Brazon Kingdom [Princess Series#2] cover
ANDRESS cover
My Love from The Afterlife cover
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat cover

BETTY and the PRINCE: book 1

16 parts Complete

Paano kung ang pag-ibig na matagal mo nang pinapangarap at hinihintay ay matagpuan mo sa tamang pagkakataon,ngunit sa maling panahon? Mas pipiliin mo bang makulong na lamang dito kasama siya o bumalik sa sariling mundo at muling mag-isa? Isang aksidente ang nagdala kay Betty sa lugar na tanging sa mga aklat at pelikula lamang niya nakikita. At dito niya nakilala ang lalaking bumihag sa pihikan niyang puso. Ang lalaking sa unang tingin palang ay minahal na niya. Si PRINSEPE YULO. Ang lalaking nagbigay kulay sa kanyang buhay,ngunit humatol sa kanya ng parusang kamatayan. At kahit anong gawing pagtago ni Betty ay muling pinagtatagpo ang landas nila. Matakasan kaya nila ang isa't isa kung mismong tadhana na ang naglalapit sa kanila? Nasa kapalaran na nila ang bumuo ng isang nakakakilig at kakaibang romansa sa pagitan ng prinsepe at ng most wanted na espiya.