"I don't like you, Isla," nakangising sambit ni Isandro sa kaniya. "Look at yourself. May gatas ka pa sa labi." Nangilid ang mga luha ni Isla sa kaniyang mga mata. Nagtawanan ang mga barkada ni Isandro. Pahiyang-pahiya siya sa lahat ng nakasaksi ng pagtatapat niya sa kaniyang nararamdaman para sa lalaki. Tumalikod siya at napatakbo palayo habang isa-isang nagsisipaglaglagan ang mga luha niya sa mata. Sobrang sakit yata ng unang pagkabigo niya. Isinusumpa niya. Babawi siya. Gagantihan niya ang mayabang na Isandro na iyon. Humanda siya!
5 parts