We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.
Mantovani Maids: Caterina

Mantovani Maids: Caterina

  • WpView
    Reads 856
  • WpVote
    Votes 80
  • WpPart
    Parts 26
WpMetadataReadMatureOngoing
WpMetadataNoticeLast published Fri, Jul 29, 2022
WpInfo
Fiction
Romance
A Collaboration with Raven Sanz and Darla Tverdohleb Takot mag-isa ay hindi pinag-isipang maigi ni Yna ang desisyon nang dali-dali siyang mag-impake at sumakay ng bus papuntang Tarlac. Punuan ng pasahero, at nakatabi niya ang isang lalaki na pogi nga ay ubod naman ng suplado. Ang masaklap, nang magising siya ay yakap-yakap na niya ito. Iyon na sana ang huli nilang pagkikita. Pero nang makarating sa bahay ng kanyang ama, higit pa sa inaasahan ni Yna ang mga bagay na matutuklasan hindi lang tungkol sa lalaki, kundi maging sa . . ..
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • TAINTING HER INNOCENCE (R18+)
  • Amara's Tale (Published under PHR)
  • A Night With My Professor
  • With This Ring (COMPLETED)
  • Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER
  • Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
  • You're Still The One (REVISING)
  • Ikaw hanggang dulo (A Jholet Au)
  • Vanilla: Saktan Mo Man Ako (COMPLETED)

Bunga si Thalia ng seksuwal na pang-aabuso ng isang among lalaki sa isang katulong. Nang maisilang siya ng kanyang ina ay iniwan siya nito sa poder ng kanyang ama na mayroong ibang pamilya. Hindi siya tanggap ng kanyang ama pero hindi rin naman siya nito itinaboy palayo. Lumaki si Thalia na salat sa maraming bagay at isa na roon ay ang pagmamahal galing sa kanyang totoong magulang. Kulang din siya sa edukasyon dahil hindi siya hinayaang makapag-aral ng kanyang ama sapagkat gusto nitong manatiling lihim ang pagkatao niya. Umiikot lang ang mundo niya sa loob ng mansion kung saan siya nagsisilbing katulong ng sariling ama at ng pamilya nito. Lumaki siya sa pang-aalila at pisikal na pang-aabuso ng sarili niyang kadugo. Tanggap na ni Thalia ang buhay na mayroon siya sa loob ng mansion. May pagkakataong naiisipan niyang tumakas pero natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya sa labas. Wala siyang ibang kakilala na maaaring niyang puntahan at tumulong sa kanya. Wala siyang taong malalapitan oras na makatakas siya. Pero ang hindi inaasahan ni Thalia na mangyayari sa buhay niya ay nang dukutin siya. Nagtatapon siya ng basura sa labas ng bahay nang may isang sasakyang tumigil sa tabi niya at sapilitan siyang isinakay. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil bigla siyang nakatulog nang may panyong itinakip sa ilong at bibig niya na mayroong kakaibang amoy. Nagising na lang siyang nakagapos sa ibabaw ng kama habang may isang matipuno at guwapong lalaki ang tiim na nakatingin sa kanya. Nagsilbing bihag siya ng isang lalaking nagngangalang Matthew Sebastian. Plano siya nitong gamitin sa paghihiganti sa kanyang ama. Sinubukan niyang ipaliwanag dito na nagkamali ito sa pagdukot sa kanya at mali ang inaakala nito sa kanyang pagkatao dahil ang akala nito ay isa siyang iniingatang prinsesa sa loob ng mansion. Pero hindi naniwala sa kanya ang binata at ipinagpatuloy nito ang planong gamitin siya.

More details
WpActionLinkContent Guidelines