Tiningnan ko ang dulo ng espadang nakatutok sa leeg ko. It's shiny. Pwede na akong manalamin. "Hindi naman kailangang umabot sa ganito kung papaniwalaan mo lang ako." He smirked. Na para bang natatangahan siya sa sinasabi ko. Nakakainsulto ang paraan ng pagtingin niya sa akin, tinitiis ko lang kasi nga kailangan kong makuha ang tiwala niya. Pero lintek lang! Kanina pa kami rito nag-uusap at hanggang ngayon ay wala akong makita kundi purong pagdududa sa mga mata niya. Hindi ako kumain kaninang umaga dahil hapon na akong nagising. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Gutom na gutom na ako. Kailan ba kami matatapos dito? " Do you really think I will believe your nonsense? " Hindi. Kitang kita ko naman hindi mo na kailangang ipamukha pa sa akin. Umirap na ako. Hindi ko na kaya. Nahagip ko ang tray na naglalaman ng mga mansanas at iba pang prutas. Nanatili ang tingin ko roon sabay ng paglunok. Ayos na siguro 'to. Hindi naman ako pwedeng lumabas. Hindi ko pinansin ang lalaki at naglakad papalapit sa tray na nasa maliit na table. Ni hindi ko na rin nagawa pang punahin ang espadang nakatutok sa akin. Kumuha ako nang isang mansanas at mabilis na kinagatan. Napapikit pa ako dahil sa tamis nuon. Alam kong inoobserbahan niya ang mga kilos ko. Ramdam na ramdam ko ang talim ng kanyang tingin na tumutusok sa likod ko. Humarap ako habang ngumunguya. Ayaw mong maniwala? " E'di don't. "All Rights Reserved