Synopsis:
Maraming pag-iibigan ang hinahadlangan. Lalo na kung hindi angkop ang antas ng magkabilang partido sa lipunan. Kung mayaman ang isa at nagmahal ng dukha, ang huli ay dadanas ng nakakamatay na pangmamata. Ngunit kung maging matatag ang dalawa, ipaglaban ang pag-iibigang hinadlangan ng karamihan. Hindi malabong magkaroon ng magandang wakas ang nasimulan nilang pinagsamahan. May ibang hindi sinuswerte at nililisan na lamang ang kahapon na luhaan. Ngunit paano kung ang umusbong na pag-iibigan ay namagitan sa parehong kasarian? Lahat ng nakapaligid sa kanila ay sukdulan kung sila ay kasuklaman. 'Salot, gawain ng makasalanan, hindi naturuan ng magandang asal, kulang sa pagmamahal' Ilan lamang iyan sa mga salitang lumalapnos sa kanilang damdamin na binabato ng mga nakaka alam. "Kasalanan sa Diyos." Ang bato naman ng mga nasa tahanan ng may lalang. Itago, ipilit, magkulong malayo sa karamihan. Oo, masaya sa isat-isa ngunit wala silang kalayaan. Hindi matigil, matahimik sa dami ng katanungan, "Kailan makakamit ang inaasam na malayang pagmamahalan?" Pag-iibigan ng dalawang Binibini. Na nabuhay sa mapanghusgang panahon. Sa mga Prayle, Madre at nakakarami. Magkakaroon kaya ng magandang wakas ang maling landas ng pag-ibig na kanilang hinabi?
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos