Ako si Clark Ramirez, nang bawian ako ng buhay dahil sa isang aksidente, pagmulat ko ay nasa katawan na ko ng isang extra sa novela, si Rosana Alvarez at ang tadhana ng taong ito ay mamatay sa dulo ng istorya. So pano na? Mamatay nanaman ako? Katulad ng sa previous life ko? sa isang iglap mawawala nalang sa'kin ang lahat? Nagpapatawa ba kayo? Ano, ganun ganun nalang yun?! HA! Ano ako tanga? hindi ako papayag! Gagawin ko ang lahat upang mabuhay sa mundong 'to, kahit pa ang author ang kalaban ko!