Margaux Yna Montenegro is a kind, nice, sweet, humble and a generous person. Kahit na noong nainlove siya sa nobyo ng kanyang pinsan ay mas pinili niyang magparaya. Ginawa niya ang lahat upang makalimutan ito, pero parang nananadya ang tadhana at kabaligtaran ang nangyayari. The table have turned, ang dating iniilagan niya ay ang mismong lumalapit ngayon. Hanggang isang araw ay naganap ang isang pagkakamali, naisuko niya ang lahat dito at ang masaklap pa ay nagbunga ito. Takot man ay masaya si Margaux, syempre dahil mahal niya ito. Ipapaalam na dapat niya ito kay Randell, ng hindi sinasadyang marinig niya ang kahindik-hindik na katotohanan. Na hindi siya totoong mahal nito, at sinunod lamang nito ang utos ng kanyang walang hiyang pinsan. Gumuho ang mundo ni Margaux ng nalaman ito. Naging sanhi pa ito ng pagkawala nang kanyang dinadala. Idagdag mo pa ang pagkasira ng kanyang buhay. At halos lahat ng kamag-anak niya ay kinamumuhian siya. Kahit na mismong daddy niya ay kinakahiya siya. Tanging ang mommy niya lang ang tanging naging kakampi niya sa buhay. Poot at galit ang namayani sa puso ni Margaux at sa pangyayaring iyon ay pinangako niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya sa mga taong nang-api sa kanya. Luluhod ang mga ito at hahalik sa kanyang mga paa. Will love can melt it all? Even if Everything has Change?