Minsan may mga bagay talaga na hindi natin maintindihan. Ngunit sa huli, tsaka mo palang mapapagtanto kung bakit ganoon ang nangyari. Minsan, malalaman mo nalang yung sagot kapag wala na, huli na. Kaya nga mapaglaro ang tadhana diba? Minsan, yung mga ayaw mong mangyari, nangyayari. Minsan, yung hindi inaasahan, iyon yung mangyayari. Gayunpaman, ganoon naman talaga ang buhay diba? Kaya may tinatawag na FATE at DESTINY. Minsan, ang hirap intindihin. May mga naniniwala at hindi naniniwala. Pero ako, malalaman niyo ang kwento ko. At ang kwento ko, di ko alam pero sa tingin ko, gawa talaga ng tadhana. Author's Note: Babala lang po. •Masyadong malalalim ang mga salitang ginamit. •Medyo magulo ang kwento nito. Di ko nga alam kung paano naging Tadhana yung title nito. •Halos lahat ng mga salita dito, Tagalog. 2 sentences lang yung English dito. Basta yan na. Wag nyong sabihin di ko kayo binalaan. Pero sana may magvote at magustuhan nyo tong one-shot na ito
1 part