Habang lumilipas ang bawat araw,buwan at taon. Patanda Tayo ng patanda hanggang sa inaantay na lang natin kung kailan ba tayo kukunin ng lumikha sa atin Madaming tanong sa ating isipan, mga tanong na di natin alam kung paano natin mahahanap ang kasagutan. Habang tumatanda tayo, ang dami nating gustong gawin at patunayan, Hindi para sa ating sarili kundi para sa ibang tao. Masaya naman talaga mamuhay sa Mundo, sino ba naman ang hindi gugustuhin ang mabuhay sa Mundong ito. Pero sa kabila ng saya na ating nararamdaman lagi itong may kaakibat na lungkot. Madaming problema ang kailangan harapin Problema na di natin alam kung kailan ba matatapos Bakit halos sunod-sunod? Bakit parang di na natin kaya? Tipong gusto na lang natin mawala na parang mga Bula. Sa Mundong apaka liwanag at puno ng pag asa Paano mo haharapin ang Mundo ng kadiliman na nag iisa? Paano ka lalaban? Kung nag iisa ka lamang.