"Wala bang magagalit sa gagawin mo? I.... mean... your.... girlfriend?" Lakas loob na tanong niya. Ngumisi ito sa kanya bago sumagot. "Hindi ako pumapasok sa relasyon, Bella. Kaya kong kumuha ng babae na hindi nakikipag relasyon," deretsong sagot nito sa kanya. Napalunok siya. Kung sa bagay sa gwapo at yaman nga naman ni Enzo walang babaing tatanggi rito. Panigurado sasama agad ang mga babae sa isang sulyap lang nito. "How about you? Do you have a boyfriend?" Balik tanong nito sa kanya. Agad niyang iniling ang ulo. "No, I never had a boyfriend before," amin niya. "As in never?" Paninigurado pa nito. Nagyuko siya ng ulo. Hindi naman siguro nakakahiyang aminin na no boyfriend since birth pa siya kay Enzo. "Never. It just... Well..." Hindi na alam kung paano sasabihin ang bagay na iyon na hindi siya mapapahiya o magmumukhang pangit sa binata. "May mga nanliligaw sa akin. It just hindi ko lang sila type," garalgal na tinig na paliwanag niya. Sumilay ang tabinging ngiti sa mga labi ni Enzo. Hindi siya sigurado kung pinagtatawanan siya nito sa hindi pa niya pagkakaroon ng nobyo sa edad niyang eighteen o ano. "That's good. Both side walang maghahabol," sagot nito sa kanya. Tumango-tango siya rito.All Rights Reserved