Ang sampung taong pagbabago.
Pagsibol ng susunod ang katumbas ng paglipas ng panahon.
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"- Jose Rizal.
Ano kayang maaaring magawa nating mga kabataan sa susunod na sampung taon?
Makinig mga kapwa ko kabataan, alam nyo bang sa susunod na sampung taon tayo na ang magiging susunod na matatanda. Halina't tuklasin na natin ang ating mga kakayahan, dahil sa susunod na mga taon, tayo ang magpapatakbo ng mundo, tayo ang magiging susunod na mga dalubhasa, manlalaro, alagad ng batas, at magiging mga bagong pinuno ng mga bansa.
Kaya huwag nating dibdibin ang mga panghuhusga ng ibang nakatatanda sa atin, maging totoo tayo sa sarili natin dahil may mga kakayahan tayo na magdadala sa ating mga sarili at ating minamahal na inang bayan sa rurok ng tagumpay. Gamitin nating mga kabataan ang mga panghuhusga sa atin bilang lakas para mapagbuti ang ating mga sarili at hindi tayo maligaw ng landas.
Sa lahat ng makakabasa ng sanaysay na ito, lalo na sa mga kabataan, isa lang ang paalala ko, panatilihin ninyo ang mga nakasulat dito at huwag ninyong babaguhin ang alinmang nakasulat dito. Mga kabataan, maging matatag, mabuti, at matalino. Sa susunod na sampung taon gamit ng tatlong m, tayo ay magiging kapaki-pakinabang na mga mamamayan ng bansa at makakatulong tayo sa pagpapaunlad nito at masisilayan ng ating magiging mga anak at apo ang isang bago at maunlad na Pilipinas.
Want to ask me questions? See my behind the scenes? Even see my upcoming story sneak peeks?
Here you can request for a chapter read request as well as critique. There's even something better-talking to me about anything you want!