Story cover for Doctor's goal to the Actor by NethDaquipil_2558
Doctor's goal to the Actor
  • WpView
    Reads 1,044
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 40
  • WpView
    Reads 1,044
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 40
Complete, First published Jun 11, 2022
Siya si Loisa na nagmula sa isang pangkaraniwang pamilya lamang. Bunsod ng isang kahirapan ang siyang nagtulak sa kaniya para maging isang Doktora. Ang propesyon na gustong-gusto niyang makamit. Hindi nagtagal, ang pagsisiskap ni Loisa na maging isang Doktora ay kaniyang napagtagumpayan. Pero paano kung meron pa pala siyang ibang gustong makamtan? Kaya ba niyang makuha ang isang tao na sa telebisyon niya lang dati nakikita at pinangarap ngunit pagtatagpuin sila sa tamang panahon pero sa hindi magandang paraan. Ang pinakasikat na artista sa South Korea, si Dam Reun. Siya ang tinaguriang pinakaguwapo, pinakamayaman, at mahal niya ang kaniyang mga tagasuporta, pero kabaligtaran ang kalidad nang pagpapakita niya ng maayos. Mahuhulog kaya si Dam Reun sa isang Doktora? O susuko na lang si Xandria Loisa Gementiza sa isang sikat na aktor? Mawawalan na ba ng pag-asa si Loisa sa kaniyang pangalawang layunin at isakripisyo na lang ang kaniyang personal na damdamin dahil mahal na mahal na niya ang walang emosyon at manhid na si Dam Reun?
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add Doctor's goal to the Actor to your library and receive updates
or
#37fated
Content Guidelines
You may also like
Sea of Love by LuckyAvigail
70 parts Complete Mature
Alessia Gultiano, 25 years old. Kilala bilang "The Brave Journalist" ng kanyang mga kasama. Isang simpleng babae na may paninindigan-alam niya ang gusto niya mula pa lang sa simula. Kahit salungat sa kagustuhan ng mga tao sa paligid niya, hindi iyon naging hadlang para tuparin ang kanyang pangarap. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Journalism bilang Summa Cum Laude, isa sa pinakamataas na parangal sa kanilang unibersidad. Para kay Alessia, sapat nang maisulat niya ang hinaing ng mga Pilipinong matagal nang walang nakikinig. Sa kanya, iisa lang ang tunay na mahalaga-ang katapatan sa bayang kanyang sinilangan, ang Pilipinas. Ngunit paano kung isang araw ay may dumating sa buhay niya na hindi niya inaasahan? Isang taong magtuturo sa kanyang magmahal? Anong pipiliin niya-ang bayan o ang puso? Akio Pineda, 28 years old. Isa sa mga pinakamagiting at pinakaguwapong sundalo. Lumalaban para sa bayan, kahit ilang ulit na siyang pinipilit na tumigil ng kanyang mga magulang noon. Para kay Akio, ang mamatay para sa bayan ay isang karangalan. Kaya niyang isakripisyo ang lahat-buhay man o damdamin-maipagtanggol lamang ang Inang Bayan. Ngunit paano kung makilala niya si Alessia? Isang babaeng tulad niya paninindigan. Bayan muna bago sarili. Paano kung ang tulad ni Alessia ang biglang gumulo sa kanyang puso't isipan? May lugar ba ang pag-ibig sa buhay ng isang sundalong abala sa pakikipaglaban? Anong mangyayari kapag nagtagpo ang dalawang taong parehong inuuna ang bayan kaysa sa sarili? May puwang ba ang pag-ibig sa gitna ng tungkulin? O isa rin ba itong laban na kailangan nilang talikuran? Start:1/26/25 End:7/4/25
Second Hand Love (Completed) by annageron1
38 parts Complete
Pagpapanggap at pagkukunwari. Ito ang kanyang expertise. Ang kanyang kabuhayan. Bilang undercover agent ng isang highly classified agency ng pamahalaan ng Pilipinas na sumusugpo sa pagkalat ng mga ipinagbababawal na gamot, kinailangan ni Celestine "Les" Rosete na bumalik sa baryong sinilangan at kinalakihan at magpanggap bilang isang teacher upang lihim na imbestigahan ang natanggap nilang impormasyon na may namumugad ditong isang malaking drug syndicate. Subalit ang kanyang pagpapanggap ay natuklasan ni Roman, ang lalaking pinagkalooban niya ng matamis na oo subalit pinagkaitan ng pagmamahal noong sila ay nasa high school pa lamang. Ang lalaking ginamit niya ang pagmamahal upang makamit ang pagmamahal ng iba. Roman Jovencio, the man with the sexy walk at isa ng matagumpay na negosyante. Pumayag ito sa kanyang pakiusap na itago ang kanyang lihim, for a price. Magpapanggap silang magkasintahan at gagawin nila ang mga bagay na ginagawa ng magkasintahan na ipinagkait niya dito noon. Sa lahat ng hinawakang assignment, pinaka-mahalaga para kay Les ang mabuwag ang sindikatong unti-unting lumalason sa kanyang mga mahal sa buhay at mga kababaryo. Kaya wala siyang pagpipilian kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ni Roman. Wala rin siyang nagawa ng mabihag nito ang kanyang pihikang puso. Ang pagpapanggap ay nauwi sa totohanan. Sa piling ni Roman, naranasan niya kung paano magmahal at mahalin ng walang kapantay, natuklasan ang isang tunay na pag-ibig na naging lahat sa kanyang buhay. Kaya paano niya tatanggapin ang sinasabi ng ilang kakilala na isa lamang siyang second hand love? Na ginawa lamang siyang pansamantalang pamalit ni Roman habang hinihintay na bumalik sa bansa ang babaing tunay na minamahal at nakatakdang pakasalan. Ang lahat ba ng kanilang pinagsaluhan at maging ang pagkatao ni Roman ay pawang pagpapanggap at pagkukunwari lamang?
You may also like
Slide 1 of 20
Agent Dwight Is My Knight (Book 2) cover
Things We Buried In Silence (Silence #1) cover
My Love, Katherine (take me to your heart) (COMPLETED) cover
Safe Place  cover
Sea of Love cover
TLS1-  Bittersweet cover
HATING the IDOL (Completed✔) cover
NS 08: THE ELUSIVE DOCTOR ✅ (Published) cover
JUST ANOTHER LOVE STORY cover
"Demon's Sweetheart" cover
The way I Loved You cover
Sana Darating na ang Umaga cover
Second Hand Love (Completed) cover
Between Two Worlds (Navarro Series 1) cover
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)  cover
Along came Dr. LUV cover
The Heartless Doctor's Love (COMPLETED) Under Editing cover
'Til the end of time cover
THE WAY cover
IRONIA [COMPLETED] cover

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)

66 parts Complete

Si Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa loob ng dalawang buwan ay dapat mabayaran na nila ang lahat ng kanilang utang kasama na ang interes na mas malaki pa sa kanilang inutang. Nang may nakita siyang post sa facebook na naghahanap ng personal nurse ng isang matandang babae ay hindi na siya nagdalawang isip at nag-apply roon. Akala niyang madali lang ang trabaho niya ngunit naging mahirap dahil sa apo ng kanyang amo na ubod ng sungit na si Dwight Zane Alonzo. Palagi na lang mainit ang ulo nito sa kanya kahit wala naman siyang ginagawang dapat ikagalit nito. Dumagdag pa ang seryoso nitong mukha na hindi yata marunong ngumiti. Pero sa kabila ng lahat ng iyon hindi maikakaila ang napakagwapo nitong mukha. Matangkad ito at may magandang hubog nang pangangatawan na akalain mong isang modelo. Kaya hindi napigilan ni Hanna na hindi mahulog dito pero itinago lang nito iyon sa sarili dahil alam nito na walang interes si Dwight pagdating sa mga babae. Pero paano na lang kung bigla na lang itong bumait sa kanya? Makakaya niya pa kayang pigilan ang sariling aminin dito ang nilalaman ng kanyang puso?