Si Solitaire o mas kilala bilang si Sol ay matagal ng naguguluhan sa nararamdaman nya para sa kaibigang si Luna, hindi sigurado pero sya'y desidido.
Sa bawat umaga't gabi na kasama nya ang dalaga ay unti-unti syang naliwanagan na sya'y sigurado na.
Nakatingala sa kalangitan habang sinasabi sa buwan ang nararamdaman para sa kaibigan. "Gusto ko sya, gusto ko si Luna."
Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi habang nakatanaw sa buwan, naaalala nya ang kagandahan ng kaibigang si Luna.
Dahil tulad ng buwan, ang kagandahan ni Luna ay tinitingala at hinahangaan ng mga nakakakita.
Ang buwan ang simbolo ng nararamdaman nya para kay Luna at ang liwanag ng buwan ang nagpapalakas ng loob nya.
"Congrats Luna," aniya dahil sa award na nakuha ng dalaga. "I'm so proud of you."
Hindi nya kayang ialis ang paningin kay Luna,
Hindi sya nagsasawang titigan ang buwan. . .
Dahil ang buwan ay si Luna.