Zamora Althea Delrico, 25 years old pero mukhang 35 dahil sa walang kapagurang pagttrabaho. Siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya para maka-ahon sa hirap dahil sa magandang trabaho nito at malaking sahod. Panganay na anak kaya naman wala siyang magawa kung hindi ang sundin ang gusto ng magulang. Hindi kasi nakapagtapos ng pag-aaral kaya walang naging magandang trabaho kaya naman siya ang nagdudusa ngayon para mabigyan ng magandang buhay ang mga ito. Minsan, hiniling niya na sana ay hindi na lamang siya pinanganak kung magiging ganito lang rin naman ang buhay niya. Kahit kailan, hindi niya ginusto maging panganay dahil sa laki ng responsibilidad nito. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya. Ipinanganak na siya at nabubuhay na sa mundong ibabaw. Ang maaari niya na lamang gawin ay ang magtiis at maghintay upang makaalis sa nakapasan na resposibilidad. Hanggang sa isang araw, nagulat na lamang siya ng may ligaw na bala ang tumama sa kaniya at humandusay sa malamig na semento. Paggising ay inaasahan niyang nasa kwarto siya ng hospital ngunit iyon ang pagkakamali niya dahil nasa hindi siya pamilyar na kwarto. Doon niya lamang napagtanto na nasa loob siya ng kaniyang paboritong nobela. Iyon nga lang, bilang isang walang kwentang bunsong anak ng mga Haven. ___