Sabihin man ng iba,
Na kailangang iwan na kita,
Di ako makikinig sa kanila,
Di ko hahayaang tayo ay masisira,
Aalagaan kita hanggat kaya ko,
Papanindigan kita kahit na malabo,
Malabong maging tayo,
Dahil nga meron ng kayo,
Handa akong maging pangalawa,
Basta't kasama lang kita,
Handa akong makihati,
Kahit na alam kong talo ako sa huli,
Handa akong maghintay sa mga ora's mo,
Kung kailan mo lang gusto,
Handa ako sa mga masasakit nilang salita,
Basta wag ka lang mawala,
Dahil mamahalin kita,
Hanggang sa aking makakaya,
Di kita iiwan at pababayaan,
Sa mga gusto mo lagi mo akong maaasahan,