Unwritten History
  • Reads 1,189
  • Votes 542
  • Parts 21
  • Reads 1,189
  • Votes 542
  • Parts 21
Ongoing, First published Jun 14, 2022
Mature
"ANG PATAYIN ANG SUSUNOD NA HARI." Iyon ang misyon ni Kristella at Sunny na kailangan nilang gampanan upang makabalik sa hinaharap.

                                **********

Mula sa bayan ng Vigan ay matatanaw ang nakalubog na islang tinatawag na Similan, ang sinasabing ikaapat na rehiyon sa Pilipinas kung saan mayroong monarkiyang pamamalakad na pinamumunuan ng hari't reyna noong ika-19 na siglo (19th century). Makalipas ang mahigit isang daang taon, ang misteryosong isla ng Similan at ang palasyo sa loob nito ay naging kwentong bayan lamang dahil walang patunay na ito nga'y nangyari sa ating kasaysayan.

Si Sunny, isang loko-lokong journalism student ay nagtangkang alamin ang katotohanan sa likod ng misteryosong isla kasama si Kristella, ang babaeng tinakdang bumalik sa nakaraan upang baguhin ang kasaysayan ng Similan. 

Sa kanilang pagbalik sa nakaraan matuklasan kaya nila kung bakit hindi nasulat sa ating kasayasayan ang una at huling monarkiyang umusbong sa Pilipinas? Mananatili nga bang sikreto ang palasyong minsa'y naging tahanan ng mga Pilipino?



Genre: Historical Fiction and Romance

Date Written: June 14, 2022
Date Finish:
All Rights Reserved
Sign up to add Unwritten History to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos