Sulatan Mo Rin Ako

Sulatan Mo Rin Ako

  • WpView
    LECTURAS 68
  • WpVote
    Votos 1
  • WpPart
    Partes 8
WpMetadataReadContinúa
WpMetadataNoticeÚltima publicación vie, jun 24, 2022
Hindi talaga ako para isalba ng pagsusulat. Hindi tuwing tinatangka akong aktuwal na kausapin ng mga estranghero. Hindi tuwing binabalak kong isalin sa iba ang personal kong sentimento. Hindi tuwing 'di rin komportable ang katahimikan para ipaintindi. Kaya madalang talaga akong mangausap-wala akong maiging palusot o paliwanag. Katambal no'n ay ang pag-iipon ko ng iba't ibang karakter at tino sa kaibuturan: may mga pangalan sila kapag may uri ng ganoong suwerte akong natatamo, pero mas marami pa ring pagkakataong asta lang silang pagpapalawig ng sariling hindi ko nasisigurado. Koleksiyon ito ng mga alter ego. Literal na naratibo ng kung sinumang idinadaing ng sining-ibig sabihin, pupuwede 'yong maging ikaw o ako, o ang ewang katiting na bahagdan mula sa kabuuang populasyon nitong sangkatauhan. Isa iyong tipo ng pangangailangan: pagkasangkot na 'di prestihiyoso kundi anak ng desperasyong tumukoy at magpakilala; ang magpakatao. Nabibinyagan ang buhay sa panahong nararanasan mo ito. Kung totoo ang kamatayan, ba't tayo nandito?
Todos los derechos reservados
#294
random
WpChevronRight
Únete a la comunidad narrativa más grandeObtén recomendaciones personalizadas de historias, guarda tus favoritas en tu biblioteca, y comenta y vota para hacer crecer tu comunidad.
Illustration

Quizás también te guste

  • Salamisim
  • Amaging Obra Maestra
  • Ang Bestfriend kong TORPE
  • My Enemy, My Lover
  • She's Dreaming (Completed)
  • Angel In Disguise
  • TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Flutter Fic)
  • She's Back [KN Fanfiction] - Complete ✔ (Revising)
  • The Four People Who Read Minds
  • Minsan
Salamisim

Kung marami na nga ang namamatay sa maling akala iisipin ko na talagang torture ito. Pero bakit ko nga ba mas pinili ang ganitong sitwasyon? Minsan iniisip ko napakatanga ko lang talaga na kahit na ano pang gawin mong pagsusungit at pagtataray sa akin ay nagagawa pa rin kitang suyuin. May punto na parang palagay ang loob natin sa isa't-isa. May punto naman na para bang kinasusuklaman mo na ako. Pero kahit na ganoon ay heto, nandito pa rin ako at patuloy na naghihintay. "Hmm, sorry," napakatipid na sambit mo. Hindi ko nga alam kung saan na bang lupalop nakakarating ang isang salitang gaya niyan. Napakadaling paniwalaan para sa akin dahil ikaw naman ang nagsabi, pero dumating yung punto na napagod na lang ako. "Pasensiya na rin. Nakalimutan ko kasi...hindi nga pala tayo. Kaya siguro dapat ilugar ko na lang ang sarili ko sa tamang lugar at tao." Ngumiti ako at nilagpasan ka. Ngumiti ka rin, pero kitang-kita sa mga labi mo ang mapait na katotohanan. "Mahal mo pa rin ba ako?" tanong mo. Isang tanong na nakapagpatgil sa akin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay lumingon, ngumiting muli...at umiling.

Más detalles
WpActionLinkPautas de Contenido