Naramdaman mo na ba ang feeling ng mag-isa, walang kasama, miserable ang buhay? Yung tipong parang galit sayo yung mundo at para bang nagiging "invisible" ka na lang sa mga taong nasa paligid mo. Wala ka ng magagawa kundi tumingin na lang sa mga bituin sa langit at isipin na ang lahat ng mga bituing nakikita mo ay ang mga taong pinapahalagahan at inaalala ka. Ngunit sa sandaling iyon, may isang makinang na bituin ang nagpapagaan ng pakiramdam mo habang tinititigan mo hanggang sa mawala na lamang ang lahat ng bituin sa paligid niya at siya na lamang ang nakikita mo. (On Going)