Baterya. Gasolina. Pares ng tsinelas. Simmeon Luca de Yniquez is the most popular guy in the campus while Loriela "Rory" Santarina is nothing but a childhood friend. Sanggang dikit silang dalawa. Yung tipong hindi aandar ang sasakyan kapag walang gulong. Yung tipong hindi pwedeng walang elisi ang electric fan. Yung tipong hindi ka lalabas ng bahay hangga't parehong kaliwa ang tsinelas mo. That's why girls befriended and approached her just to get a touch of him. Pagtapos ng relasyon nila, ay tapos na rin ang pagkakaibigan niya sa mga ito. Pretending they never knew each other. Pumayag si Luca sa ganoong set-up. Umaayon ang tadhana para kay Rory. Nakumbinse niya ito. Nakuha niya lahat ng gusto niya. Naging madali lahat ng plano niya. Nakahanap siya ng mabait na kaibigan. Nagagawa niya ang mga bagay na di niya nararanasan noon. Malaya siyang nakakagalaw ng walang umiistorbo sa kanya. Pero bakit parang may kulang? "I've never thought that letting you go makes me feel so empty."