Story cover for Sol De Luna by aquanerveline
Sol De Luna
  • WpView
    MGA BUMASA 395
  • WpVote
    Mga Boto 3
  • WpPart
    Mga Parte 21
  • WpView
    MGA BUMASA 395
  • WpVote
    Mga Boto 3
  • WpPart
    Mga Parte 21
Kumpleto, Unang na-publish Jun 17, 2022
Mature
"Aqua dito ka lang wag na wag kang lalabas" sabi ng nanay ko kasama ang tatay ko

Noon hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako pwedeng lumabas, kung bakit natatakot ang mga magulang ko.Ngayon alam ko na at nagsisisi ako dahil ngayon ko lang naintindihan lahat, ngayong wala na sila. Iniwan nila ang batang Aqua para hindi ito mamatay. Hindi madaling mamuhay ng mag-isa lalo na't hindi mo alam kung ano ka. Pero dahil mag-isa nalang ako alam ko kung paano mabuhay na hindi nakakasakit ng tao at hindi napapatay ng ibang lahi dahil sa mundong tinatayuan ko walang magkakampi. Walang magliligtas sayo kundi sarili mo lang. Hindi ka dapat magtiwala sa kung sino dahil lahat kaaway mo. 
Pero nung nakilala ko ang isang lalaki nagbago lahat ng pananaw ko. Hindi ko inakalang magmamahal ako ng isang kalaban. Handa akong magbago at ipakita talaga kung sino ang totoong ako sa pagsikat ng araw at sa pagsapit ng dilim. Handang pumatay ng kahit kauri at handang magbigay ng buhay kung kinakailangan.
Ako ay isang Lumina, isang puting lobo na may maraming buntot kapag nasisikatan ng araw at sa pagsapit ng dilim nag-aanyong tao pero pag nasisinagan ng ilaw ng buwan kumikinang na kakulay nito. Ang lalaking tinutukoy ko naman ay isang Vampir, isa syang bampira at mortal na magkalaban ang mga lahi namin.
All Rights Reserved
Sign up to add Sol De Luna to your library and receive updates
o
Mga Alituntunin ng Nilalaman
Magugustuhan mo rin ang
His Sinful Desire (COMPLETED) ni MsJen_14
15 parte Kumpleto Mature
'Synopsis' Nagaganap na ang pag tatapat ng buwan at ng araw dito sa mundo ng mga tao. Nilabas ko ang sandatang may kasangkapan ng pangil ng lobo na syang kikitil sa buhay mo para sa buhay ng prinsesang minamahal ko sa kaharian ng Ahsville Ito na ang tamang panahon matapos kong makuha ang loob mo ng ilang buwan Nakangiti ka habang palapit sakin, hawak mo ang tali ng aso na syang gabay mo sa iyong pag lalakad dahil hindi ka nakakakita Bumaba ang mga tingin ko sa labi mo, bakas ang saya mong tinutungo ang direksyon ko. May hawak ka ng Cake na syang handog mo sakin dahil ngayon ang kaarawan ko Naalala mo iyon gayong hindi ko naman binibigyang importansya ang kaarawan ko, ang sarap pala sa pakiramdam Nakatitig lamang ako sayo habang palapit kana sa direksyon ko kaya tinaas ko na ang sandatang itatarak ko sa dibdib mo Nanginginig ang mga kamay ko kasabay ang panlalabo ng paningin ko dahil sa luhang namumuo na sa unang pag kakataon ay naranasan ko Nasasaktan ako Hindi ko alam kung kaya ko Mahal ko si Selena, ang prinsesa ko. Ginagawa ko 'to para sa kanya, hindi ko nakakalimutan ang dahilan kung bakit ako narito, pero paano? Paano ko gagawin 'to kung nahulog ako sayo? Sa isang mortal na kagaya mo? Bagay na mali, malaking kasalanan ito sa mundo namin Kaya kinakailangan ko na itong gawin ng mas maaga para mawala na din itong nararamdaman ko sayo bago pa ito lumalim Nag unahan na ang mga luha ko sa pag patak ng tagpuin mo ang direksyon ko. Niyakap mo ako, alam mo talaga ang lugar kung saan lagi akong naroroon Nag punas ako ng luha bago mo pa ito mapansin, ngumiti ako ng pilit at sa huling pag kakataon ay pinag masdan pa kita 'Patawarin mo ako Natasha, mali ang inibig kita. Patawad......' -Ahswel Blacke
My Story with Mr. Vampire ni SisWhacky
11 parte Kumpleto Mature
A vampire can only fall inlove ONCE at pag natutunan niya nang umibig, iaalay niya ang buhay niya para rito... At siya lamang ang magiging dahilan ng ikabubuhay nito. Pag wala siya, mamatay rin ang isang bampira. Ito ang dahilan kung bakit kakaunti na lamang sila, hindi sila dumadami dahil walang kakayan ang mga bampira manganak, dumadami lamang sila through conversions. At pag hindi sila inibig ng mahal nila pabalik e mamamatay sila. Ito naman ang dahilan kung bakit sila umiinom ng dugo ng buhay na tao... Para manatili silang buhay. --- Masipag si Rachel sapagka't nag-iisa na lang siya sa buhay at walang maaasahan. Bunga ng kasipagan, sa pagtatrabaho ay ginagabi na siya ng uwi. Isang matadhang gabi nang bigla siyang harangin ng grupo ng mga kalalakihan na wari sabog sa ipinagbabawal na droga, hindi lang panghoholdap ang balak ng mga ito kundi pati ang halayin siya at patayin. Pinagkatuwaan nila si Rachel bugbugin at halos patay na nang bigla dumating ang isang lalaking nagligtas ng kanyang buhay, si Glen. Napakaputi ni Glen at sobrang guwapo pa. Malakas rin si Glen at nagawa nga nitong talunin ang grupo ng mga adik ni hindi nito ininda ang malubhang sugat na natamo sa kanyang dibdib. "Maghihilom ito agad. Hindi ako isang tao."; si Glen... Sapagkat ang kanyang tagapagligtas pala ay isang... Bampira. Maiksi lang ito. Naisip lang bigla e kaya hindi masyado kayong maaattach sa characters. Basta... Nainspire sa Gwi character ni Lee Soo Hyuk sa Scholar Walks at Night.
Timber ni Jcaoy05
23 parte Kumpleto
Prologue . . Isang gabing walang buwan . May isang babaeng tumatakbo sa masukal na kagubatan. . Tila may tinatakasan . Ang kanyang mga mata ay takot na takot na may mga luha. . Nanginginig ang mga katawan na halos ayaw lumingon sa likod. . "Saklolo! Tulungan niya ako" hiyaw nito nababakasakali na may makarinig sa kanya. . Hindi niya napansin ang malaking ugat na nakaharang sa kanyang harapan. . Natisod ito at tumilapon pauna. . Sa pagkakadapa niya naramdaman niya ang sakit na nag mumula sa paa niya. . Napa tingin siya sa kanyang paa at kitang kita sa mukha nito kung pano niya nilalaban ang sakit. . . Nakarinig siya ng tunog ng napakang tuyong kahoy . . Nagukat ito at pinilit tumayo. . Paikaika itong lumalayo. . Hanggang sa. ... .. Isang malakas na sigaw na nag mula sa babae ang bumasag sa katahimikan ng kagubatan. . . Kinabukasan . . Natagpuan ang bangkay niya kung saan siya naabutan ng humahabol sa kanya. . Duguan ang kanyang katawan na nakahiga sa lupa. . Halos mag hiwalay na ang kanyang leeg sa kanyang katawan. . . Ang lahat ng nakakita sa kanya ay halos hindi makapaniwala sa sinapit ng babae. . Mamaya maya . May aleng dunating . Dahan dahan itong lumapit sa kanya . Napasigaw ito sa lungkot at agad lumuha . Niyakap ang walang buhay niyang katawan. At panay ang iyak. "Mga halimaw kayo" . . Ito ang mundong kanilang ginagalawan Kung saan . Kasama sa pag hinga . . Ang pangamba . Takot . Sa panganib na . Isa sa pamilya ang maaring maging . Hapunan ng mga Werewolf.
HUNTING KENDRA(The Last Vampire) Book 1 COMPLETED ni babz07aziole
25 parte Kumpleto
"The sweet taste of your blood makes my body ache for more..." -Timothy HUNTING KENDRA (The Last Vampire) PUBLISHED UNDER RM PUBLISHING HOUSE Vampire/Zombie/Wolf Series Written by: Babz07aziole Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan ay tawaging zombie sa mundo ng mga tao. Sakop din nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng Bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at Bampira na tumagal din nang ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyang nagapi at naubos ang mga lahi ng Bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat-dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra-ang anak ng Hari ng mga Bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng Bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nanganganib mawasak sa hinaharap. DATE STARTED: September 28, 2019 DATE END: OCTOBER 17, 2019
Don't Cry Louie ni johnyuan38
19 mga parte Kumpleto
Ipinanganak akong straight na lalaki. Oo, sigurado ako do'n. Walang duda. Bagamat ang tiyuhin ko na isang bading ang nag-aruga sa akin mula pagkabata ay hindi naman nito naimpluwensyahan ang aking pagkasino. Sabi kasi ng karamihan, kapag ang isang lalaki ay napapaligiran ng mga bading, magiging kauri na din nila ito. Tangna, sana naman hindi. Sa edad kong labinwalo, at sa guwapo kong ito. Maniwala ka man o hindi, dalawa lang ang naging girlfriend ko ngunit mipagmamalaki kong lahat iyon ay seryosohan. Hindi kasi ako mapaglaro. Ang pag-ibig ay hindi libangan o pampalipas oras lang, iyan ang turo sa akin ng tito kong bading na si YOWHAN o mas kilalang bilang si Daddy Yo. Ewan ko ba, seryoso naman ako pagdating sa usaping pag-ibig. Lahat ibinibigay ko kahit na ubos na ang aking allowance. Hindi. Lahat binibigay kong pagmamahal, pag-aaruga at pagmamalasakit subalit bakit tila yata hindi parin iyon sapat sa kanila. Bakit lagi nila akong iniiwan. Bakit nila ako ipinagpalit sa iba? Pambihira. Dahil sa sunud-sunod na kabiguan, naglie-low muna ako sa pakikipag-girlfriend. Nagfocus na muna ako sa aking pag-aaral at pagwoworking student. Subalit kung kailan naging maayos na muli ang takbo ng buhay ko, ay siya namang pagsulpot ni LOUIE sa buhay ko. Katorse anyos na batang lalaki....at patay na patay sa akin? Whoooh..hanep..Akalain mo? Saan ako dadalhin ng pag-ibig ni Louie? Magawa ko kayang tumbasan ang pag-ibig na iniaalay niya? Gayung alam kong lalaki kaming pareho.
Magugustuhan mo rin ang
Slide 1 of 10
His Sinful Desire (COMPLETED) cover
In The Arms Of A Demon Mafia Lord (Under On Editing Process) cover
My Story with Mr. Vampire cover
Salamisim cover
Timber cover
Moonlight Flits Volume 1 (2018) - UNDER REVAMPING cover
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy) cover
HUNTING KENDRA(The Last Vampire) Book 1 COMPLETED cover
MOONLIGHT: First Romance cover
Don't Cry Louie cover

His Sinful Desire (COMPLETED)

15 parte Kumpleto Mature

'Synopsis' Nagaganap na ang pag tatapat ng buwan at ng araw dito sa mundo ng mga tao. Nilabas ko ang sandatang may kasangkapan ng pangil ng lobo na syang kikitil sa buhay mo para sa buhay ng prinsesang minamahal ko sa kaharian ng Ahsville Ito na ang tamang panahon matapos kong makuha ang loob mo ng ilang buwan Nakangiti ka habang palapit sakin, hawak mo ang tali ng aso na syang gabay mo sa iyong pag lalakad dahil hindi ka nakakakita Bumaba ang mga tingin ko sa labi mo, bakas ang saya mong tinutungo ang direksyon ko. May hawak ka ng Cake na syang handog mo sakin dahil ngayon ang kaarawan ko Naalala mo iyon gayong hindi ko naman binibigyang importansya ang kaarawan ko, ang sarap pala sa pakiramdam Nakatitig lamang ako sayo habang palapit kana sa direksyon ko kaya tinaas ko na ang sandatang itatarak ko sa dibdib mo Nanginginig ang mga kamay ko kasabay ang panlalabo ng paningin ko dahil sa luhang namumuo na sa unang pag kakataon ay naranasan ko Nasasaktan ako Hindi ko alam kung kaya ko Mahal ko si Selena, ang prinsesa ko. Ginagawa ko 'to para sa kanya, hindi ko nakakalimutan ang dahilan kung bakit ako narito, pero paano? Paano ko gagawin 'to kung nahulog ako sayo? Sa isang mortal na kagaya mo? Bagay na mali, malaking kasalanan ito sa mundo namin Kaya kinakailangan ko na itong gawin ng mas maaga para mawala na din itong nararamdaman ko sayo bago pa ito lumalim Nag unahan na ang mga luha ko sa pag patak ng tagpuin mo ang direksyon ko. Niyakap mo ako, alam mo talaga ang lugar kung saan lagi akong naroroon Nag punas ako ng luha bago mo pa ito mapansin, ngumiti ako ng pilit at sa huling pag kakataon ay pinag masdan pa kita 'Patawarin mo ako Natasha, mali ang inibig kita. Patawad......' -Ahswel Blacke