"B-binuo kita... dinurog mo naman ako," Hindi lahat ng pinapakasalan ay happy ending na. Minsan sa loob ng pagsasama, maraming hadlang, maraming pagsubok. Pagsubok na magbibigay rason kung tama pa nga bang manatili? O kailangan nang kalimutan ang lahat ng pinagsamahan? Ito ang kwento ni Marguz Anne, isang masayahin at masasandalan na kaibigan. Paano kung pagkatapos ng pagpakasal at pagsasama, may dumating na pagsubok na labis na magpapahirap sa kanya? Kaya niya bang manatili sa tabi ng lalaking kanyang minahal ng lubos? Kaya niya bang tanggapin ang nagawa nito? Kaya niya bang magmahal ulit pagkatapos masaktan? © Alexxtott Story Posted: June 20, 2022All Rights Reserved