Sa edad na siyam na taong gulang, dumanas na ng matinding kalungkutan ang batang si Mydee Alvarez. Ang masayang pamilya na kinalakihan ay naging pansamantala lamang dahil sa isang iglap ay naging tila bangungot na sa araw-araw ng kanilang buhay, naging kalbaryo niya ang magulong pagsasama ng kaniyang ama't ina na dahilan ng pagkakahiwalay ng mga ito. Lumaki at nagkaisip si Mydee na ang tanging nasa isipan ay wala siyang kakampi kundi ang kaniyang sarili. Dahil sa isipang ipinagkait sa kaniya ng tadhana ang magandang buhay. Samahan nyo po akong subaybayan ang malungkot, mapait, masaya ngunit punong-puno ng aral na kwento ng buhay ni Mydee.