Copyright Β© 2015 by Soi Badilla. All Rights Reserved. No part of this book may be reproduced without the Author's express consent.
Ako si Elias, isang fashion designer na gustong gawing model si Rose, isang LESBIAN film director na may balingkinitang katawan, matangkad at maputi, medyo singkit ang mata, matangos ang ilong at manipis ang labi. Sa tuwing aalukin ko sya para maging model ay laging suntok sa mukha ang napapala ko.
Dumating ang araw na pumayag sya sa gusto ko, ngunit kalakip nito ang pagtulong ko sa kanyang maghiganti sa ex-girlfriend nyang si Brianna, isang famous fashion model na ginamit lang sya para sumikat.
Inasahan kong iikot sa paghihiganti ang istorya naming dalawa, pero mukhang naiba ang ikot nito nang mahulog ang loob ko sa kanya.All Rights Reserved