Teaser:
Sa isang parte ng malagim na kasaysayan ay may nakatagong lihim na kwentong pag-ibig. Isang pag-iibigan na sinubok ng pangyayari, panahon, at ng sitwasyon. Maaring nabaon na sa limot ng karamihan ang pangyayari, ngunit para kay Eve kahapon lamang ito nangyari.
Dise-nuwebe lamang noon si Eve nang umibig kay Nick na anak ng kanyang amo. Tutol ang mga magulang nito sa kanilang pag-iibigan dahil sa agwat ng kanilang pamumuhay. Dahil mahal nila ang isa't -isa, minabuti nilang magtanan na lamang upang makapamuhay nang may kalayaang umibig. Habang lulan ng barkong Doña Paz, punong-puno ng pag-asa ang magkasintahan. Hindi nila lubos akalain na ang nagdala sa kanila ng pag-asa ay siya rin namang nagdala ng trahedya. Mas matibay kaya ang kanilang pag-ibig kaysa nagngangalit na apoy sa malawak na karagatan?
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Disclaimer: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang base sa malagim na trahedyang sinapit ng barkong Doña Paz. Kung mayroon mang kapareho ng pangalan sa kuwento, ito ay nagkataon lamang, maliban sa ilang kumpirmadong nakaligtas sa trahedya. Hindi po layunin ng kuwentong ito na siraan ang sinumang biktima ng trahedya. Bilang pagbibigay-galang sa mga biktima ng trahedya at pamilya ng mga naiwan, sinikap po ng manunulat na gumagamit ng pangalan na wala sa manipesto ng barko sa pangyayaring iyon. Maaring hindi na naabutan ng mga bagong henerasyon ang tungkol sa pangyayari, maging ang manunulat ay hindi pa pinanganak ng taong iyon, pero sa pamamagitan nito, maaaring maabot ang mga puso ng bagong henerasyon ito at mahikayat na tingnan at alalahanin ang nakaraan at matuto mula sa pangyayaring iyon.
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos