Minsan hindi talaga natin maiintindihan ang gusto ng tadhana. Yung tipong kapag ayaw mo na sa isang bagay ay patuloy naman itong lumalapit sa 'yo. Minsan kahit patuloy mo itong iwasan ay hahabulin ka nito hanggang sa mapagod ka na lang kakatakbo. Pero hanggang kailan mo nga ba kakayaning manatili sa isang tao na nagtaksil sa 'yo? Paano mo pa ito mapapatawad kung ito mismo ang sumira sa pangako nito... Hanggang kailan mo matitiis ang isang bagay na patuloy na nakakapanakit sa 'yo? Hahayaan mo na nga lang ba ang tadhana na ilayo ka sa sitwasyon o handa kana rin para harapin ang isang delubyo para sa ikakatahimik ng puso mo?